Tuesday, January 16, 2007

Dap-ayan II: Unang Halik sa Panitik

Salamat sa mga nagpuntang makata sa poetry workshop na handog ng Dagdag Dunong Project at Cordillera Coffee! Kitang-kita naman ang tuwa sa mga kabataang nagsidalo. Salamat kay Ate Bebang na matiyagang nagturo, kay Kuya Russ, ang punong abala ng Dagdag Dunong Project, sa Kontra-Gapi para sa musika.

Magpakilala muna tayo!

Karamihan ng mga dumalo ay mga out-of-school youth galing pang Navotas, Malabon, at Tondo.

Si Ate Bebang ay masayang nagbahagi patungkol sa sukat at tugma.

Ang aming suki sa tugtugan, kapuso sa hangarin - Kontra-Gapi.

Ang mga tula mula sa workshop ay makikita rito sa mga susunod na araw. Kita-kita tayo sa susunod na Dap-ayan: Cordillera Music Workshop kasama si Ruel Bimuyag.


No comments: