Tuesday, February 13, 2007

Mga Tanaga



Mga tula mula sa Unang Halik sa Panitik poetry workshop:

Hangarin

Isang punpun ng walis,
Dumi sa king paligid
Sa lupang nagnanais,
Kalinisa’y makamit.

- Eula Moso

Kalikasan
Lupang tuyo at hapis
Puno, halama’t batis
Sa pag-agos ng tubig
Pag-asa’y makakamit.

- Eula Moso



Pag-asa

Sa pagmulat ng mata
Hirap at pagdurusa
Sa langit makikita
Panibagong pag-asa.

- Eula Moso

Luha
Sa pagpatak ng luha
Iyong ipinadama
Lungkot sa aking mata
Sa tuwina’y nadarama.

- Eula Moso


Ambisyon
Bitbit ko gitara ko
Tinig mo’y kailangan ko
Dala nito’y awit mo
Hatid nito’y batid ko.

- Jennifer Caspillo

Hinagpis
Sa hirap at gutom
Sa pawis at pasakit
Buhay ko’y nagnanais
Pagdurusa’y maalis.

- Jennifer Caspillo

Pamilya

Sa ‘king pag-iisa
Lungkot ay nadarama
Dalangin sa tuwina
Pamilya’y makasama.

- Ricky Espaldon


Ang iba pang mga tula ay makikita sa Dagdag Dunong blog. Abangan ang mga susunod pang Dap-ayan workshops sa mga susunod na buwan.

No comments: